Watch: Awkward Dance of Kris Aquino and Son Bimby Goes Viral

Umani ng batikos sa Social media mula sa kanyang mga kritiko ang batikang host-actress at Queen of All Media na si Kris Aquino kamakailan lamang kasama ang kaniyang bunsong anak na si Bimby.

Sa Instagram post ni Kris ngayong Linggo, ipinasilip niya ang ilang tagpo mula sa kanilang mother-and-son bonding, kung saan makikitang sumasayaw sila sa saliw ng viral na “Beat Energy Gap” mula sa commercial ng isang chocolate drink.

“Dancing for Bimb is, thank God, effortless. (Then there’s) Me trying super hard hehehe!” aniya.

#beatenergygap – dancing for Bimb is thank God effortless, me trying super hard hehehe. @milophilippines this is for you. #wellness 💚✅

A video posted by 🇵🇭 Kris Aquino (@krisaquino) on

Maliban sa nakakatawang dance video na ito, ibabahagi rin ni Kris sa kaniyang Facebook page ang fitness routine niya at ng kaniyang mga anak na sina Josh at Bimby.

Kabilang sa mga mapapanood sa Facebook page ni Kris ang iba’t ibang features, tulad ng restaurant-hopping at exclusive interviews.

Ayon sa ilang mga kritiko ng dating Presidential sister, hindi bagay at nakaka-adwa ang pagsasayaw ng mag-ina. /Fanny Jalacjac/


Facebook Comments
Website is Protected by WordPress Protection from eDarpan.com.