Simbahang Katoliko, Inaangkin ang Naipuslit na Pinakamalaking Perlas Mula sa Pilipinas

Iginiit ng simbahang Katoliko na pag-aari ng Simbahan ang pinakamalaking clam pearl (perlas) na naipuslit mula sa bansa patungong Hong Kong kamakailan.

Ayon sa liham ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) sa National Museum of Cultural History (NMCH), ang nasabing perlas daw ay nawala mula sa Immaculate Conception Cathedral sa Puerto Princesa City bago sunugin ng mga hapon ang naturang katedral noong dekada 40. May mga patunay ng pag-aari diumano ang simbahang katoliko kagaya ng mga lumang larawan ng perlas bago pa man ito nawala sa pangangalaga ng kora paroko.

Ayon pa sa liham, ang naturang perlas ay dala pa ng mga kastila noong itinayo ang katedral.

Pinabulaanan naman ng simbahan na pag-aari ng isang mangingisda ang naturang yaman, ngunit hindi rin nabanggit sa liham kung ito ba ay ninakaw o inilikas.

Ayon sa mga naunang balita, ang perlas ay pag-aari ng isang mangingisda sa Palawan at itinago sa ilalim ng higaan ng may mahigit sampung taon.

Related: Report: CBCP to Lose P26M Every Month if RH Law is Fully Implemented

Ang perlas ay tumitimbang ng 34.5 kilos at nagkakahagala ng humigit-kumulang anim na bilyong piso or $130 million.

Nabulabog ang National Museum sa balitang nanggaling sa Amerika na ang perlas diumano ay naipuslit ng nagngangalang Gloria Huetter sa tulong ng isang Amerikanong si Charlton Hollenbach.

Kasalukuyang iniimbestigahan ang pangyayari, ngunit wala pang tugon ang National Museum sa liham ng Simbahang Katoliko. /Arnel Sombria/

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of Okd2.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. No part of this article maybe reproduced without permission from this website.


Facebook Comments