Relief Goods ng DSWD, For Sale sa Isang Baranggay sa Batangas

Nasakote ng pinagsanib na pwersa ng Talisay PNP, at ng DSWD Region IV-A ang may 315 bags ng relief goods na mula sa tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon sa ulat mula sa tanggapan ng Philippine National Police (PNP), bayan ng Talisay, lalawigan ng Batangas, isang Izusu Elf ang naghatid ng kahong-kahong kargamento sa Brgy. Sala, Talisay, Batangas, noong Huwebes, Marso 2, dakong ala-singko ng umaga, sa bahay ng nagngangalang Leticia Fajardo.

Siyam na kahon na kasinlaki ng balikbayan box diumano ang iniwan ng trak na agad namang ipinasok sa garahe ni Fajardo.

Dahil nagnenegosyo ng ukay-ukay si Fajardo, inakala ng mga residente na bagong stocks galing sa ibang bansa ang mga nasa kahon, ngunit napag-alamang mga relief goods ang laman ng mga naturang kahon nang umpisang i-alok ng pamilya Fajardo ang mga nakasupot na relief goods.

Ang mga supot na may pangalang DSWD ay nagkakalaman ng ibat-ibang bagay gaya ng mga imported na de-lata, imported na sabong pampaligo, at personal supplies kagaya ng mga cotton buds, isopropyl alcohol, disinfectants, protein bars, sanitary napkins at iba pa.

Ang isang supot ay inalok diumano ni Fajardo ng 350 pesos sa kanyang mga kabaranggay bago pa man makarating sa pulisya ang balita.

Related: Yolanda Scandal: Roxas, Aquino, Soliman Faces Graft Charges on International Court

Ginalugad ng PNP at DSWD ang bahay ni Fajardo dakong alas singko ng hapon kahapon (March 3) at nasakote ang mga natirang limang kahong relief goods na nagkakalaman ng 315 supot. Walang tao ang bahay ng mga Fajardo nang nagyari ang pag galugad.

Pinuntahan ng pulis ang bahay ng may-ari at driver ng trak na si Ruben Catapang, na kung saan ikinarga ang mga relief goods at isinalaysay ng driver ang pangyayari.

“Nagdeliber po ako ng isda sa Farmer’s Cubao. Tatlong beses po akong nagdadala ng isda doon sa loob ng isang linggo at may labindalawang taon ko na pong ginagawa ito. Tumawag po sa akin si Aling Letty (Fajardo) na may dadaanan daw pong stocks sa bahay ng pinsan niya sa Ugong, Pasig. Madalas po akong nagbaback-load ng kanyang mga ukay-ukay galing sa iba’t-ibang suppliers sa Maynila, kalimitan malapit sa pier. Pagdating po doon, ikinarga ng dalawa kong pahenante ang mga kahon. Hindi naman po namin trabahong buksan ang mga padala sa amin kaya wala po akong alam kong ano ang mga nasa kahon dahil ang buong akala po namin ay ukay-ukay kagaya ng karaniwan naming karga twing kami ay pauwi galing Maynila. Gaya ng nakaugalian na, P2,500 po ang bayad sa akin”, paliwanag ni Catapang na sya namang pinaniwalaan ng mga pulis.

Dagdag pa ni Catapang, ang mga kahon ay dinaanan nila sa bahay ng nagngangalang Juancho Mendoza, sa Brgy. Ugong, Pasig City,  tubong Talisay din at pinsang buo ni Fajardo. Si Mendoza diumano ay nagtatrabaho kay dating DSWD Secretary Dinky Soliman bilang personal driver nang may mahigit sampung taon na.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya at DSWD ang pangyayari na maaring humantong sa National Bureau of Investigation (NBI) ang kaso.

Wala pang kumento ang kampo ni Soliman hinggil sa pangyayari, at kasalukuyan ding pilit kinokontak ang nasabing Juancho Mendoza.

Ayon sa DSWD, malaki ang posibilidad na ang mga naturang relief goods ay para sa mga biktima ng bagyong Glenda na sumalanta sa kabikolan at Region IV-A noong 2014, ayon sa manufacturing at expiration date ng mga nasabing chocolate at protein bars na may ilang buwan na lang ang natitira bago mag-expire./Marriane Sombero/

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of Okd2.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. No part of this article maybe reproduced without permission from this website.


Facebook Comments
Website is Protected by WordPress Protection from eDarpan.com.