Political Historian: Walang Martial Law Kung Walang Aktibista, Kumunista

Ayon kay Professor Elena Bancolo, isang political historian at political science professor, iba ang dahilan ni pangulong Duterte kung ihahalintulad sa dahilan ni dating Pangulong Marcos kung ito man ay mag deklara ng Martial Law.

Aniya ni Bancolo, ang dahilan ni Marcos ay para sugpuin ang mga rebeldeng NPA, at mga estudyanteng aktibista. Ang kay Pangulong Duterte sa kabilang dako ay para sugpuin ang droga at katiwalian sa gobyerno, lalo na ang mga tiwaling pulis. Sapat aniya ang dahilan kung si Duterte man ay magdesisyong isailalim sa Martial Law ang buong Pilipinas.

“Noong panahon kasi ni Pangulong Marcos, kung hindi dahil sa mga underground activists, mga pasaway na estudyante lalo na sa UP, at mga komunista sa pamumuno ni Joma Sison, wala naman sanang Martial law eh. Hindi lang narealize ng mga tao sa ngayon kung gaano kalaki ang problema noon ng Pilipinas sa mga komunista at aktibista”, wika ni Bancolo.

Related: 13 Reasons why the Likes of Risa Hontiveros, other Activists Sucks

Si Bancolo ay dating aktibista sa UP at editor ng The Philippine Collegian ngunit nagbago ang pananaw nito sa pulitika mula ng napatalsik sa dating Pangulong Marcos.

“Ang nagyari lalo pang gumulo. Dati kami rally rito rally doon. Isa lang naman actually ang hangarin ng bawat isa e – ang makilala, dahil lahat naman ng mga aktibista diyan e may pansariling ambisyon”, dagdag pa ni Bancolo.

Wala anyang ibang sisihin ang mga biktima ng Martial Law kundi ang sarili nila.

“Kung hindi dahil sa kanila, walang Martial law”, dagdag pa ni Bancolo na ang tinutukoy ay ang mga biktima diumano ng Martial Law.

Related: Did You Know? How High Profile Activists Make Money and How Much They are Making

Si Professor Elena Bancolo ay isang abogado na nagtapos sa UP College of Law noong kasagsagan ng Martial Law, at kasalukuyang nagtuturo ng Oriental history at Political Science sa Ateneo De Manila University. /Blanche Española/
Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of Okd2.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. No part of this article maybe reproduced without permission from this website.


Facebook Comments
Website is Protected by WordPress Protection from eDarpan.com.