Kadamay, Pakawala Diumano ng Liberal Party

Ayon sa dalawang opisyal ng KADAMAY na sina Gloria Beltran at Michael Arellano, dapat sisihin ang administrasyong Aquino sa nangyayaring hindi pagkakaintindihian sa pagitan ng National Housing Authority (NHA), at mga miyembro ng KADAMAY na nag- na ilegal na umuukopa sa mga pabahay ng gobyerno sa Pandi, Bulacan.

Sinabi ni Arellano na ipinangako diumano ng dating administrasyon na mayroon silang pabahay sa naturang lugar, kung kaya’t malakas ang loob nila na okupahin ang mga nasabing bakanteng pabahay.

Ani Beltran, dapat makialam ang mga empleyado ng NHA na nagsilbi noong panahon ni Aquino, dahil sila aniya ang nangako na ibigay sa maralitang grupo ang mga nasabing pabahay.

Dagdag pa ni Beltran, hindi pupunta sa Pandi. Bulacan ang kanilang mga ka-grupo kung hindi sila hinakot ng mga trak ng ilang pulitiko na kaalyado ng Liberal party.

Nananahimik aniya ang kanilang mga ka-grupo sa ibang lugar nang alukin sila ng pabahay ng ilang LP politicians patungo sa Pandi, Bulacan, kalakip ang tig-sampung libong piso bawat pamilya, ngunit limang libong piso lamang ang kanilang natanggap.

Dagdag pa ni Arellano, nawala aniya sa eksena ang mga organizers mula sa ibang militanteng grupo kagaya ng Gabriela, BAYAN, at Karapatan na siyang naghimok sa mga KADAMAY para pumunta sa Pandi housing.

Duda pa ni Beltran at Arellano, ang kalahati ng ipinangakong sampung libong piso ay nasa mabuting kamay nan g ibang grupo. /Sandra Pascual/

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of Okd2.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. No part of this article maybe reproduced without permission from this website.


Facebook Comments