Fast Facts: Bakit Takot si Leni Robredo sa Recount

Naniniwala ang kampo ni Senador Bongbong Marcos na mula sa kampo ni dating Congressman Leni Robredo ang usapin ukol diumano sa sekretong pagpapabilang ng mga boto para agawin ang pagka-bise presidente sa dating kongresista.

Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, legal counsel at tagapagsalita ni dating Senador Bongnong Marcos, ang tsismis na pag bibilang muli ng mga balota ay imposible, at gawa-gawa lamang ng kampo ni Robredo para i-kondisyon ang isipan ng mamamayang Pilipino.

Ani Rodriguez, takot ang nakaupong bise presidente sa bilangan dahil tiyak umano ang kampo ni Marcos na lalabas ang buong katotohanan kapag nagdesisyon ang PET (Presidential Electoral Tribunal) na bilangin ang mga boto sa mga piling probinsya.

Ayon pa kay Rodriguez, mayroon silang sapat na ibedensiya para patunayan ang pandaraya ng kampo ng nakaupong bise presidente.

See Also: Anti-Marcos Obsession Could Provoke Civil War, Experts Warns

Matatandaan na sinabi ng kampo ni Robredo na hindi sila pabor sa pagpapabilang muli ng mga boto dahil gastos lang umano ito ng pera ng gobyerno.

Sinabi pa ni Rodriguez na iba ang laman ng mga ballot boxes kung ikukumpara sa mga data na nai-transmit sa pamamagitan ng transparency server kung kaya’t takot ang kampo ni Robredo na buksang muli ang mga ito.

Imposible aniyang mangyari ang sinasabi ng kampo ni Robredo dahil ang mga nasabing ballot boxes ay nasa kanya-kanyang probinsiya pa, at hindi ito maaring pakialaman ng sinuman. Mahabang proseso din aniya ang pagdala nito sa Maynila para bilanging muli.

Naniniwala ang kampo ni Marcos na maliliwanagan ang taong bayan kapagka nagdesisyon na ang PET na bilanging muli ang mga balot sa susunod na tao.

Umaasa aniya ang kampo ni Marcos na posibleng magdesisyon ang PET sa simula ng 2017.

Wala aniya dapat ikatakot ang kampo ni Robredo kung totoong nanalo siya sa nakraang eleksyon.

“Ang pangungumbinsi sa taong bayan sa maling pamamaraan ay nangangahulugan lamang ng kawalan nila ng respeto sa batas”, ani Rodriguez./Romy Panopio/facebook-share

Facebook Comments
Website is Protected by WordPress Protection from eDarpan.com.

Loading...