Anti-Marcos Obsession Could Provoke Civil War, Social Experts Say

Posible diumanong malagay sa panganib ang kapayapaan at ekonomiya ng bansa kapag hindi tumigil sa pagpoprotesta ang mga laban sa libing ni dating Pangulong Marcos. Ito ang pahayag ni Prof. Antonio Cordoba, Sociology at Political Science Professor ng Mindanao State University.

Ayon kay Cordoba, ang matinding obsession ng mga nagsasabing Martial Law victims ay isa sa pangunahing dahilan kung bakit ang Pilipinas ay hindi makaahon-ahon sa kahirapan. Ani Cordoba, ang mga lider ng mga aktibistang grupo na nag-oorganize ng mga rally ay ang mga taong wala nang ginawa sa buong buhay nila kundi guluhin ang gobyerno, at kung sino mang naka-upong pangulo na sa tingin nila ay hindi ayon sa kanilang idyolohiya.

“Itong mga taong ito ay gumagamit ng mga inosenteng tao kagaya ng mga mahihirap at estudyante para matupad ang pansarili nilang layunin”, saad ni Cordoba.

“Sa aking pag-aaral, nanganganib na malagay sa alanganin ang seguridad ng ating bansa kung ang mga taong ito ay hinti titigil sa kanilang layuning masunod ang kanilang pansariling kagustuhan. Ito rin ang mga taong ito ang naging dahilan kung bakit nagdeklara ng Martial Law ang dating pangulong Marcos”, dagdag pa ni Cordoba.

Ayon naman sa ekonomistang si Pablito Francisco, ang malawakang counter-protest ng silent majority laban sa mga anti-Marcos ay nangangahulugan ng pagbagsak ng ekonomiya ng bansa.

“Kung tatanggapin lang sana natin ang pasya ng Korte Suprema at tumalima na lamang tayo para sa kapakanan ng lahat, hindi sana mangyayari ang mga ganitong kaguluhan”, ani Francisco.

Matatandaang nagbabalak maglunsad ng isang malawakang protesta sa darating na Nobyembre 25 ang mga anti-Marcos, na siya namang binalaan ng pulis.

Sa kabilang dako, may mga usap-usapan ding lumalabas na maaring magkagulo ang nasabing protesta dahil sa pro-Marcos, na nagbabalak din ng kanilang counter-protest.

“Kung susumahin natin, hindi dapat ang libing ni Marcos ang sisisihin dito kung ang ganid sa kapangyarihan na mga anti-Marcos”, saad pa ni Cordoba.

Hinggil sa naturang plano, nagbabala naman ang PNP sa sinumang magbalak hukayin ang mga labi ng dating pangulo. /Cathroy Buena/facebook-share

Facebook Comments
Website is Protected by WordPress Protection from eDarpan.com.