UP Activists, Tinawag na “Mga Bastos” ng mga Taga DENR

Tinawag na bastos ng mga opisyales ng Department of Environment and Natural Resources and mga estudyante mula sa University of the Philippines (UP) matapos magwelga sa harap ng gusali ng DENR ngayong araw.

Ang kilos-protesta ay kinabibilangan ng mga aktibista sa UP, mga manggagawa sa minahan, at ilang geology at mining engineering students.

Binatikos ng mga nagwewelga ang planong pagpapasara ng kalihim ng DENR na si Gina Lopez sa mahigit 20 na minahan.

Nakipagpulong ang kalihim sa mga estudyante ngunit nauwi sa initan nang hindi makuhang makapagsalita ng maayos ng kalihim dahil sa sunod-sunod na tanong ng mga aktibistang estudyante.

Ani Marcelo Caraig, isang mataas na opisyal ng DENR, nakikisawsaw lamang ang mga estudyante sa UP sa isyu bilang tradition sa mga Gawain ng mga aktibista. Sinabi pa ni Marcelo na bastos at walang modo ang mga estudyante, na sa halip na atupagina ng pag-aaral ay puro kilos protesta ang inaatupag.

Sumang-ayon naman si Atty. Hilda Cordova mula sa legal department ng naturang ahensya.

Ayon kay Cordova, ang UP ang pinagmulan ng kaguluhan sa lipunan dahil hindi takot at walang respeto ang mga estudyante rito. Dagdag pa ni Cordova, karamihan sa mga aktibistang estudyante ay may planong pumasok sa pulitiko baling araw, ngunt walang sapat na resources kung kaya’t pinipilit nilang makilala sa kahit anong paraan. /Lydio Lopez/
Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of Okd2.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. No part of this article maybe reproduced without permission from this website.


Facebook Comments
Website is Protected by WordPress Protection from eDarpan.com.